AEON Credit Service Requirements and FAQs


 
Para sa mga interesado na mag-apply sa AEON Credit Service at sa Diskwento Na, Hulugan Pa! promo, narito ang ilang mga Frequently Asked Questions (FAQs) upang mabigyang-linaw ang mga tanong na maaari ring nasa inyong isipan.


Ano po ba ang mga requirements para makapag-apply sa AEON?

Dalhin lamang sa pinakamalapit na Automatic Centre store ang original at photocopy requirements ng mga sumusunod:

Magdala ng Valid IDs:


1 Primry ID:

  • UMID
  • SSS
  • PASSPORT
  • PRC
  • DRIVER’S LICENSE

1 Seconday ID:

  • COMPANY ID
  • TIN ID
  • PHILHEALTH
  • POSTAL BASIC
  • VOTER’S ID
  • BARANGAY CLEARANCE *FOR REMITTANCE ONLY

Katunayan ng pagkakaroon ng sapat na kita:

  • Para sa Employed: 1 month latest pay-slip
  • Para sa Self Employed at Beneficiaries: Latest 3 Months ng Proof of Income (Passbook, Remittance Slip, Bank Statement)

Kopya ng latest na tatlong buwan ng alin man sa mga sumusunod:

  • Electricity Bill
  • Water Bill
  • Telephone Bill
  • Cable Bill

Saan po dadalhin ang mga nasabing requirements?

Maaring dalhin ang mga nabanggit na requirements sa kahit saang Automatic Centre store na malapit sa inyo (except Cebu). Narito ang aming store directory: tab.fo/ACStores.

Kailangan po ba ako sa Automatic Centre kapag nag-apply?

Opo, ang inyong personal appearance sa aming stores ay kailangan upang maprocess ang inyong application sapagkat may mga on-the-spot procedures po sila na ginagawa (fingerprints, etc)

Gaano po katagal ang hihintayin bago ako makakuha ng resulta ng aking application?

Karamihan po ng AEON booths sa ating mga AC stores ay nag-ooffer na ng Same-Day Processing. Kalimitan po ay tumatagal na ng 2-3 hours minimum ang processing ng inyong application pagkatapos maipasa ang kumpletong requirements.

Para naman po sa ibang AC stores na walang available na Same Day Processing system, tatagal po ang application period mula isa hanggang tatlong araw.

Gaano po kalaki ang interest rate sa AEON?

Sa ngayon po, nasa 2.95% ang interest rate para sa mga appliances, samantalang ang mga gadgets naman ay may 3.30% interest rate.

Magkano po ang kailangang bayaran para makuha ang appliance o gadget?

Kapag ang inyong application ay approved na, makukuha po ninyo ang inyong appliance pagbalik ninyo sa Automatic Centre sapagkat mayroon po tayong NO CASHOUT promo. Ang Cashout po na 3% processing fee o Php500, alin man ang mas malaki, ay isasama sa unang monthly installment.

Para naman po sa gadgets tulad ng smartphones, tablets, at laptops, mayroon po tayong minimum cashout na 20% downpayment at processing fee na 3% ng total financed amount o Php500, alin man ang mas malaki.

Saan po ako makakabayad ng aking mga monthly installment?

Marami pong paraan para bayaran inyong AEON installment. Magtungo lamang sa mga sumusunod:

Automatic Centre

  • Tutuban Center
  • SM City North EDSA
  • Gateway
  • Market! Market!
  • Sta. Lucia Mall
     
  • Bayad Center
  • BPI
  • BDO
  • Cebuana Luhillier
  • ECPay
  • Metrobank
  • Security Bank

Para sa iba pang impormasyon, maaring bumisita o tumawag sa pinakamalapit na Automatic Centre store sa inyo. Narito po ang aming Store Network: tab.fo/ACStores. Maaari ring tumawag sa AEON sa (02) 631-1399 o mag-email sa customercare@aeonphilippines.com.ph.